7:45 PM

gusto kong magising
sa kamusmusan ng umaga
at haraping matapang
ang walang kamalay-malay na araw.

hangad kong saluhin
ang kabiyayaan ng hamog
at hayaang mahimok
ang karumaldumal na daang pako.

hindi man malilimutan
ang mapapait na kinabihasnan
may dahilan parin para tumanglaw
sa matamis na pangako ng ginhawa.

nais na tanging mawala
sa halimuyak ng iyong salita
at dagli muling makatulog
sa salok ng iyong tanging pagmamahal.


zoeballs
We can work things out.



Visitor Map
Create your own visitor map!